Ice skating experience
Gusto mong magpalamig habang nageenjoy? Gusto mong magfeeling Elsa? Try mo magIce Skating bes!
Branches: SM MOA & SM MEGAMALL
(SM MOA Rates) |
Entrance fee and Rates:
Unlimited Skating
|
450
|
Polar Bear
|
100 per hour
|
Assist Coach
|
150 per 30 mins
|
Companion Pass
|
100
|
Locker
|
50
|
Basic figure skating
|
3,600
|
After bumili ng tickets, magsusukat muna para fit na fit sa paa at hindi mahirapan sa pag skate. After getting the size, kuha na ng skating shoes. Yass! excited na!
Syempre bago isuot ang skating shoes, isecure muna natin ang mga gamit. Malaki laki naman yung locker, kasya 2-3 bag packs. Isang bukasan lang yung locker, so dalhin na mga gustong dalhin sa skating rink.
Always wear a helmet when entering the rink. Katulad ng biogesic, Ingat! At syempre Enjoy.
May Snack bar sa loob kaya hindi kana mapapagod para bumili pa sa labas kung nagugutom. Since medyo pricey ang mga snacks, pwede naman magdala ng pangsnacks para makatipid.Friendly Reminder:
- Magsuot ng leggings or pants kung hindi pa marunong kasi masakit yung yelo sa balat. Sa sobrang lamig nya, nakakapasa sya. (Nanlamig na nga, sinaktan ka pa. aww)
- Magdala ng jacket kasi syempre malamig. (Dapat ready para hindi lamigin at magtagal ang relasyon, este magtagal sa rink )
- Magsuot ng makapal at mahabang socks kasi masyadong matigas yung shoes kaya masakit. (love yourself)
- Kung hindi marunong, better na kumuha ng coach or magsama ng kaibigang marunong magskate para worth it hindi yung nasa gilid ka lang, hawak hawak. (hindi ka mageenjoy at magtatagal kung hindi ka matututo)
Yun lang naman. Ayoko na humugot Charrr! Enjoy
Marunong na me. |
Kyaaaahhh! Galing mo pumotobomber! |
With my boyfie, photographer at trainer |
Comments
Post a Comment