The Old Diplomat Hotel
Isa sa mga haunted place sa Baguio ay ang Diplomat Hotel. Kahit na sira at lumang luma na, pinupuntahan pa rin ito.
Sabi sa mga kwento, isa itong rest house at seminaryo bago maging isang iskwelahan, at maging hotel.
During the World War II, maraming pari at madre ang pinugutan ng ulo ng mga Hapon. Pati ang mga bata sa loob nito ay pinatay at tinapon kaya marami daw nagpapakitang mga pugot na ulo ng pari o kaya madre sa gabi. Pati ang mga bumibisita dati sa hotel ay nakakarinig ng mga kakaiba at creepy sounds.
Inayos ang building noong 1947 at 1973 at naging Hotel. Dito nagsstay ang mga nagpapagamot dahil isang psychic surgeon at spiritual healer ang may-ari nito.
Hanggang ngayon, marami pa rin ang nakakaramdam ng kakaiba kapag pumupunta sa hotel. Pati ang mga taong nakatira malapit sa hotel ay nakakarinig ng mga kalabog ng pinto, sigaw, iyak ng mga bata. Marami din nagsasabi na sa Haunted Fountain pinatay at tinapon ang mga bata at ito rin daw ang "Portal" ng mga kaluluwa.
Sa ngayon, may isang chapel na ang napagawa sa tabi ng hotel. Punong puno ng bulaklak ang paligid nito. Napakatahimik ng lugar, kasabay ng malamig na hangin na nagpapadagdag sa "Feeling Haunted" na awra ng hotel.
Comments
Post a Comment